Most wanted, tiklo sa hideout
@Balitang Probinsiya | March 30, 2023
ILOILO—Isang most wanted criminal ang naaresto mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Pototan sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay ng impormasyon sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Kusang sumama naman sa mga awtoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments