top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Most wanted tiklo sa hideout

BULGAR
Dec 21, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 21, 2022




PAMPANGA — Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Mexico.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Edwin Pineda, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing bayan.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa anti-violence against women and children.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek, kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ito sa nasabing barangay.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page