Most wanted rapist nasakote
@Balitang Probinsiya | March 19, 2023
ALBAY—Isang most wanted na rapist ang naarestong mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bitano, Legazpi City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago muna sa alyas na "Boyet", 21, habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape.
Nabatid na nakita ng mga tauhan ng pulisya si "Boyet" na naglalakad sa nasabing barangay kaya agad itong dinakip ng mga awtoridad.
Kusang sumama naman sa mga awtoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments