Most wanted ng Sorsogon tiklo sa Zamboanga
- BULGAR
- Aug 10, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 10, 2023
ZAMBOANGA CITY -- Isang most wanted criminal sa Sorsogon ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Manguso Village sa lungsod na ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Abelardo Geneblazo, nasa hustong gulang, at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Sorsogon.
Nabatid na may nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga operatiba na naging dahilan kaya naaresto ang rapist.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments