Most wanted ng Laguna, tiklo sa Zamboanga Del Norte
@Balitang Probinsiya | December 12, 2022
ZAMBOANGA DEL NORTE—Isang most wanted sa Laguna ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Lower Irasan, Roxas.
Ang suspek ay itinago muna ng pulisya sa alyas na Ranulo habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder at qualified theft sa Laguna.
Napag-alamang may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ni "Ranulo", kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments