top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Most wanted ng Cebu, timbog sa palawan

Writer: BULGAR
BULGAR
May 14, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 14, 2023


PALAWAN—Isang most wanted sa Cebu ang naaresto ng mga awtoridad, kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Iraan, Rizal sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Alton Asli, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Napag-alaman na inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Cebu.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Asli kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang suspek sa nabanggit na barangay.


Kusang sumama naman ang suspek sa pulisya nang dakpin siya sa nasabing barangay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page