top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Most wanted ng Bukidnon, tiklo sa Sorsogon

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 28, 2023


SORSOGON — Isang most wanted sa Bukidnon ang naaresto mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Sorsogon City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Bianca de Guzman, 35, pansamantalang nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Republic Act 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998 sa Bukidnon.


Nabatid na nagtago sa batas si De Guzman matapos siyang ireklamo kaugnay sa paggamit niya ng bank credit card ng hindi pinangalanang biktima sa Bukidnon.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ni De Guzman kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page