top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Most wanted nasakote

BULGAR
Nov 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 27, 2022


SORSOGON—Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Del Rosario, Pilar.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Joey Bayna, 29-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong acts of lasciviousness at child abuse.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ng rapist, kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page