top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Most wanted, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 15, 2021


CAPIZ--Isang lalaking most wanted ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Tagas. Poblacion Norte, Ivisan.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Renato Facundo, 23-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong child abuse sa nasabing lalawigan.


Nabatid na nakita ng mga awtoridad na umuwi sa kanilang bahay si Facundo kaya agad itong pinuntahan at inaresto.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na ito sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page