Most wanted, nasakote

@Balitang Probinsiya | February 13, 2021
AKLAN—Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Caticlan, Malay.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ivan Joshua Perez, residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong Acts of Lasciviousness.
Napag-alamang nakita ng mga operatiba si Perez na umuwi sa kanilang bahay kaya agad itong pinuntahan at dinakip ng pulisya.
Kusa namang sumama sa pulisya at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya sa nasabing barangay.



Comments