top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Most wanted na terorista, dedo sa shootout

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 9, 2020



ZAMBOANGA SIBUGAY — Isang most wanted na terorista ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Lapaz, Alicia.

Kinilala ang suspek na si Idris Aquilon, miyembro ng Dawlah Islamiya ng Bangsamoro Islamic Liberation Front (BIFF) na nakabase sa lalawigan.

Ayon sa ulat, darakpin sana ng mga awtoridad si Aquilon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kidnapping noong 2001, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.

Dahil dito ay agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya tinamaan ng mga bala sa katawan si Aquilon.

Napag-alamang dinala pa ng mga awtoridad si Aquilon sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page