top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Most wanted na rapist, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 27, 2023


NUEVA VIZCAYA — Isang most wanted rapist ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Manamtam, Bambang sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Jay de Jesus, 22, pansamantalagang nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong Rape sa lalawigan.


Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya si De Jesus, at kamakalawa lang nang magkaroon ng pagkakataon na madakip ito sa kanyang hideout.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page