Most wanted na rapist, timbog
- BULGAR

- Feb 3, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 3, 2021
AKLAN—Nadakip ang isang most wanted na rapist kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Bulwang, Numancia.
Ang suspek ay nakilalang si Danilo Rambunay, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 3-counts ng kasong rape sa nasabing lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Rambunay kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.


Comments