Most wanted na rapist, timbog
- BULGAR
- Dec 13, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 13, 2020
Capiz—Isang most wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Casanayan, Pilar.
Ang suspek ay nakilalang si Darry Barroza, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa nasabing lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Barroza kaya kaagad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.



Comments