top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Most wanted na rapist, tiklo

BULGAR
Jan 7, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 7, 2023


SORSOGON—Isang most wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Ticol, Sorsogon City.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Arvin Jaso, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na lungsod.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 3-counts ng kasong rape.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ng rapist, kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page