top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Most wanted na rapist natimbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 1, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 1, 2023



RIZAL — Isang most wanted na rapist ang naaresto mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Rafael, Rodriguez sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ronaldo Fuentes, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Ayon sa ulat, may nagbigay nag-tip na impormante sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Kusang sumama naman sa mga operatiba ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page