Most wanted na rapist, nasakote

@Balitang Probinsiya | January 12, 2021
NUEVA VIZCAYA—Isang most wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Sta. Fe.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Romulo Libid, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng pulisya si Libid sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong rape.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Libid kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang suspek.
Napag-alamang matagal nang pinaghahanap ng pulisya si Libid at kamakalawa lang nagkaroon ng pagkakataon ang mga awtoridad na madakip ito sa kanyang hideout.



Comments