Most wanted na rapist, arestado
@Balitang Probinsiya | June 3, 2023
ALBAY—Isang most wanted na rapist ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Agustin, Libon sa lalawigang ito.
Itinago muna ang suspek sa alyas na "Boyet", nasa hustong gulang, habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments