top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Most wanted na rapist arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 1, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 01, 2023


LAGUNA—Isang most wanted na rapist ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Calamba City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 2-counts ng kasong rape.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page