Most wanted na killer, nasakote
@Balitang Probinsiya | Oct 20, 2021
AKLAN--Isang most wanted na killer ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Aranas, Belete.
Kinilala ng pulisya ang suspek si Christopher Flores, 37-anyos, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong homicide sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Flores kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang supek.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments