top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Most wanted na killer, nasakote

BULGAR
Apr 25, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 25, 2021


AKLAN—Isang most wanted na killer ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Camanci Norte, Numancia.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Henry Laegogo, pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.


Napag-alamang inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Laegogo kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.


Kusa namang sumama sa mga awtoridad at hindi nanlaban ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page