Most wanted na killer, arestado

@Balitang Probinsiya | March 15, 2021
BATANGAS—Isang most wanted na killer ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Andres, Malvar.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Gerry Monilla, pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.
Napag-alamang inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa Laguna.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Monilla kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad at hindi nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments