Most wanted na killer, arestado

Updated: Jan 9, 2021
@Balitang Probinsiya | January 7, 2021
ILOILO—Isang most wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy.D.G. Abordo, Janiuay.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Junius Filog, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng pulisya si Filog sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong murder sa Capiz.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Filog kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya sa naturang lugar.



Comments