Most wanted na holdaper, nasakote

@Balitang Probinsiya | December 14, 2020
AKLAN—Isang most wanted na holdaper ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Agbun-od, Jamindan.
Kinilala ang suspek na si Ruel Sonio, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Nabatid dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong robbery sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin siya sa nasabing lugar ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments