Most wanted huli sa hideout
@Balitang Probinsiya | October 30, 2022
PAMPANGA—Isang most wanted ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Angeles City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Lester Ronquillo, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong frustrated murder sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments