Most wanted criminal, timbog
@Balitang Probinsiya | Pebrero 4, 2023
LAGUNA – Isang most wanted criminal ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Biñan City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago muna ng pulisya sa alyas na "Amador", nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong child abuse.
Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ng suspek kaya rumesponde ang pulisya at dinakip ito sa nasabing lugar.
Kusang sumama sa mga awtoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit na.



Comments