Most wanted criminal, timbog
@Balitang Probinsiya | November 13, 2021
CAPIZ—Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Agbanban, Panay.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Dennis Abelarde, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong frustrated murder sa lalawigan.
Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang operatiba ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong dinakip.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments