Most wanted criminal, natimbog
@Balitang Probinsiya | July 23, 2023
CAMARINES NORTE—Isang most wanted criminal ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Paracale sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago muna sa alyas na "Gado," nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip dito ang rapist
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments