top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Most wanted criminal, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 25, 2023


CAPIZ -- Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Tapaz sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Napag-alaman na may nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad nila itong sinalakay at nadakip ang wanted na rapist.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na ito sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page