Most wanted criminal nasakote
@Balitang Probinsiya | March 26, 2023
AKLAN—Isang most wanted criminal ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Laguinbanwa East, Numancia sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Mark Belinario, 30, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa anti-violence against women and children.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ito sa nasabing barangay.
Nakapiit na ang suspek sa himpilan ng pulisya.



Comments