Most wanted criminal, nasakote

@Balitang Probinsiya | March 12, 2021
ILOILO—Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bayuyan, Estancia.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Edgar Catalan, residente ng Bgy. Sta. Ana sa nabanggit na bayan.
Napag-alamang inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong illegal fishing sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ni Catalan kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban sa mga arresting officers si Catalan at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments