top of page
Gary V. - IG.jpg

Most wanted criminal, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 19, 2023

CAPIZ -- Isang most wanted criminal ang nadakip ng mga otoridad kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Libas, Roxas City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay itinago muna sa alyas na “Kokoy”, 34, habang iniimbestigahan ito ng pulisya.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa mga kinasasangkutan nitong kaso sa lalawigan.


Napag-alaman na may nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad nila itong sinalakay at nadakip ang wanted na killer.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga otoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page