top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Most wanted criminal, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 9, 2024

ILOILO -- Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng San Dionisio sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga otoridad. 


Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga otoridad at dinakip ang wanted na rapist.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga otoridad at sa ngayon ay nakapiit na  sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page