Most wanted criminal, arestado
- BULGAR
- Dec 18, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 18, 2023
ANTIQUE -- Isang most wanted criminal ang nadakip ng mga otoridad kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Poblacion, Sebaste sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa mga kinasasangkutan nitong kasong child abuse at acts of lasciviousness.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad nila itong sinalakay at nadakip dito ang most wanted criminal.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga otoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments