Most wanted criminal, arestado
@Balitang Probinsiya | July 12, 2023
ILOILO -- Isang most wanted criminal ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Malusgod, Pototan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Juarico Papilota, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape at robbery sa lalawigan.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Papilota kaya agad na sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na ito sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments