Most wanted criminal, arestado
@Balitang Probinsiya | June 28, 2023
QUEZON -- Isang most wanted criminal ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Wakas,Tayabas sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Lester Dela Cruz, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Dela Cruz kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at nadakip dito ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments