Most wanted criminal, arestado
@Balitang Probinsiya | May 20, 2023
SORSOGON—Isang most wanted criminal ang naaresto mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Siuton, Magallanes sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Romy Buenconcejo, nasa hustong gulang at residente sa nasabing bayan.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong frustrated murder sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pulisya na umuwi sa kanilang bahay si Buenconcejo kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dito dinakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments