Most wanted criminal, arestado
@Balitang Probinsiya | Enero 29, 2023
BATANGAS — Isang most wanted criminal ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Rafael, Sto. Tomas sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Marc de Castro, 21-anyos, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kasong Acts of Lacsiviousness at Sexual Abuse.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ni De Castro kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek.



Comments