Most wanted criminal arestado
@Balitang Probinsiya | Enero 6, 2023
SORSOGON—Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Binisitahan Sur, Magallanes.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Gil Buising, 41-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder at illegal possession of firearms and ammunitions.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ni Buising, kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments