Most wanted criminal, arestado

@Balitang Probinsiya | February 5, 2021
AKLAN—Arestado ang most wanted criminal kamakalawa sa Bgy. Toledo, Nabas.
Ang suspek kinilala ng pulisya na si Edgar Flores, residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse.
Ayon sa ulat, nakita ng mga operatiba si Flores na umuwi sa kanilang bahay kaya agad itong pinuntahan at dinakip ng mga awtoridad.
Kusa namang sumama sa pulisya at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya sa nasabing barangay.



Comments