Most wanted, arestado sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | June 18, 2023
ILOILO -- Isang most wanted criminal ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Nabitasan, La Paz sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Joseph Jaleco, 47, at residente ng nabanggit na bayan.
Sa ulat, may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si Jaleco at agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan para maaresto ang suspek na nakumpiskahan ng 10 sachets ng shabu at markadong pera.
Nang beripikahin ang pagkakakilanlan ni Jaleco ay napag-alaman na wanted ito sa dalawang kaso ng frustrated murder.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad na nakapiit ngayon sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments