Most wanted arestado
@Balitang Probinsiya | November 3, 2022
BATAAN—Isang most wanted ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Limay.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jerben Carumba, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.
Napag-alamang inaresto ng mga operatiba ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong acts of lasciviousness.
Hindi naman nanlaban si Carumba nang dakpin siya ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments