top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Monkeypox, pasok na sa ‘Pinas, ingat!

  • BULGAR
  • Jul 30, 2022
  • 1 min read

@Editorial | July 30, 2022


Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may natukoy nang unang kaso ng Monkeypox virus sa Pilipinas.


Ayon sa pahayag, ang pasyente ay isang 31-anyos na Pinoy na galing ibang bansa noong Hulyo 19 na sa ngayon ay naka-isolate na.


Napag-alamang positibo sa naturang sakit ang pasyente matapos sumailalim sa RT-PCR test ng DOH Institute for Tropical Medicine. Nakumpleto na umano ang case investigation nito at identification ng close contacts ng pasyente na umabot sa 10 kung saan 3 sa kanila ay nakatira parehong bahay ng nagpositibo.


Sinasabing pinakamapanganib ang Monkeypox sa mga ‘vulnerable sector’. Ang payo naman ng kinauukulan, mag-ingat pa rin ang lahat.


Hindi dapat matakot o mataranta kundi maging alerto at sumunod sa mga protocols para makaiwas sa sakit.


Pakiusap din na huwag basta maniwala sa mga nababasa, lalo na online. Batid naman natin kung gaano katindi ang fake news ‘pag may ganitong sitwasyon. Sa halip na tumulong, nagdadala pa ng problema. Bukod sa paglaban sa COVID-19 at Monkeypox, kailangan ding labanan ang mga pasimuno ng fake news. Panawagan sa mga awtoridad at sa mga social media platforms, pagtulungan na nating masugpo ang mga pasaway.


Muli, mag-ingat, alamin ang mga dapat gawin para makaiwas sa Monkeypox at sundin ang mga payo para naman gumaling at hindi na makapanghawa sakaling magkaroon nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page