top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MNLF member, patay sa ambush

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 15, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 15, 2023


SULTAN KUDARAT -- Isang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang namatay sa pang-a-ambush at pamamaril ng mga armadong salarin kamakalawa sa national highway ng President Quirino sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Tayan Mamalinta, miyembro ng MNLF na nakabase sa Maguindanao del Sur.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Mamalinta ang kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang mga hindi kilalang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page