Miyembro ng NPA, sumurender
- BULGAR
- Aug 25, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 25, 2023
SORSOGON -- Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Sorsogon City sa lalawigang ito.
Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang sumukong komunista na nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alaman na isinuko rin ng komunistang NPA ang mga dala niyang armas, bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Ayon sa naturang NPA, nahihirapan na umano siyang mamuhay sa bundok kaya sumuko siya sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang sumukong komunista.



Comments