Miyembro ng NPA, sumurender
@Balitang Probinsiya | December 8, 2022
QUEZON—Isang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Lucena City.
Para sa kanyang seguridad ay itinago lang ng mga awtoridad ang sumukong komunista sa alyas na Ka Rosgen, miyembro ng NPA na nag-o-operate sa Quezon, Rizal, Laguna at Bulacan.
Napag-alamang isinuko rin ni "Ka Rosgen" ang dala niyang armas, bala sa mga subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Ayon sa sumukong NPA, nais na niyang makapiling ang kanyang pamilya kaya siya nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang sumukong komunista.



Comments