top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Miyembro ng NPA, sumurender

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 9, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 9, 2021



NUEVA ECIJA—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Bongabon.


Ang sumukong komunista ay itinago ng mga awtoridad sa pangalang “Ka Rene”, miyembro ng NPA na nakabase sa nabanggit na lalawigan.


Nabatid na isinuko rin ni “Ka Rene” ang dala niyang baril, granada at mga subersibong dokumento sa 1st Provincial Mobile Police Force Company sa nasabing bayan.


Ayon sa sumukong NPA, nais na nilang magbagong-buhay at makapiling ang kanyang pamilya kaya nagpasya siyang magbalik-loob sa pamahalaan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon si “Ka Rene” upang masigurong bukal sa kanyang kalooban ang pagbaballik-loob sa gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page