Miyembro ng NPA sumuko
@Balitang Probinsiya | Pebrero 3, 2023
NUEVA ECIJA – Isang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Jaen sa lalawigang ito.
Ang sumuko ay kinilala sa alyas na ‘Ka Fernan’, 49, miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Nabatid na isinuko rin ng NPA ang dala niyang armas, bala at mga subersibong dokumento.
Sinabi ng sumukong komunista na nais na umano niyang magbagong-buhay.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang sumukong komunista.



Comments