Miyembro ng NPA, sumuko
@Balitang Probinsiya | December 4, 2022
SULTAN KUDARAT—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. New Bantangan, Columbio.
Para sa kanyang seguridad ay itinago lang ng mga awtoridad ang sumukong komunista sa alyas na Ka Rap-Rap, miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alamang isinuko rin ng NPA ang dala nilang armas, bala sa mga subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Ayon kay “Ka Rap-Rap”, nahihirapan na umano siyang mamuhay sa bundok, kaya sumuko siya sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang sumukong komunista.



Comments