Miyembro ng NPA sumuko
- BULGAR
- Oct 20, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 20, 2022
BULACAN—Isang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Donya Remedios Trinidad.
Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang sumukong komunista.
Napag-alamang isinuko rin ng NPA ang mga dala niyang armas, bala at subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Sinabi ng sumukong NPA na nahihirapan na siyang mamuhay sa bundok at nais na niyang magbagong-buhay kaya nagpasya siyang magbalik-loob sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang sumukong komunista.



Comments